Sa mommy nila mag-i-stay ang kambal pero, araw-araw niyang dadalawin at tutulong siya sa pag-aalagat pagpapalaki dito. Nabinyagan na sa Sanfo ang mga bagets at may blessing ding gagawin dito. Pag-uusapan pa raw nila ni Tetet kung sino ang mga kukuning ninang at ninong.
Naalala namin ang sagot ni Jolina Magdangal nang tanungin kung papayag siyang mag-ninang sa mga anak ni Marvin? Inalam naman namin sa actor kung kukunin nilang ninang si Jolina?
"Puwede. Pero, di pa kami nag-uusap ni Tetet. Kaming dalawa ang magdi-decide noon."
Dumoble ang sipag ni Marvin sa pagdating ng kambal. Tinatapos niya ang Kutob sa Canary Films at inaasikaso rin ang magkasunod na pagbubukas ng Sumo Sam Japanese-American Restaurant sa fifth level ng Shangri-La Mall sa November 15 at opening ng Tia Loca sa Gateway Mall.
On Dennis part, gustuhin man nitong maging recording star, hindi pupwede sa napaka-hectic niyang schedule. Lagare siya sa taping ng Darna at Now & Forever (Agos) at nagsu-shooting din ng Mulawin the Movie at Blue Moon. Pipilitin niyang makasama sa Book 2 ng Encantadia at baka hindi na siya matulog kung pati ang pagiging recording star ay gawin din niyang career.
Dream come true sa dalawa ang kanilang collaboration sa 14-track album at dahil successful, may posibilidad na magkaroon ng volume 2. Ang "Sa Kanya" ang first single release na ginamit na theme song ng Attic Cat at sabi ni Sharon, may isa pang song sa album na gagamitin sa isa pang Koreanovela ng GMA-7.