Si Juan Elizalde naman ay anak ng may-ari ng Star City at DZRH.
Well, wait and see na lang tayo.
At bilang suporta ng Jollibee, they invited Sarah para i-promote ang kanyang concert sa Jollibee stores sa various malls. Last Sept. 10, naglibot siya sa SM Fairview, SM Megamall and Glorietta.
Anyway, halos hindi na makatulog si Sarah sa nalalapit niyang concert. As in practice siya nang practice. "Im prepared, emotionally and physically," Sarah said in an interview. "And I pray hard to God to help me live up to everyones expectations."
Pero bago ang pinakahihintay na araw, pupunta muna ng Japan si Sarah on Friday para sa isang show. Two days lang siya tapos ay babalik na agad.
Kung ang dami nang nanghihingi ng ticket sa concert ni Sarah ang basis, sure ako na box-office ang concert niya dahil kabi-kabila ang nanghihingi ng ticket sa akin. At hindi lang pala mga bata ang gustong manood. Maging mga lolot lola ay gustong manood. Nanghihingi kasi ng ticket ang caretaker namin sa house dahil gusto raw manood ng kanyang parents. Meaning, hindi lang bagets ang target audience ng concert ng pop princess.
Anyway after ng kanyang Araneta gig, may gagawin siyang movie under Star Cinema. Wala pa nga lang title.
"Its going to be a different movie, the kind that will appeal to bagets," Boss Vic says.
Say pa ni Mrs. Rosita Barretto Ko, mother ni Father Dale Anthony Barretto, ang healing priest sa Padre Pio Church sa Sto. Tomas, Batangas, kilig na kilig daw siya sa young actor at sana nga raw ay makita niya ito in person. Watch nga raw siya ng Dubai na showing na tomorrow starring Aga Muhlach and Claudine Barretto.
Inabutan kasi namin si Mrs. Barretto Ko nang magsimba kami last Friday, Feast Day of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.
"Noon, si Bong Revilla ang idol ko. Napanood ko lahat ng pelikula niya at marami akong collection ng pictures niya," kuwento ni Mrs. Ko.
Anyway, dinarayo na talaga ang simbahan ni Padre Pio. Ang daming nagpapa-heal.
Bagets pa si Father Dale at malaki ang plano niya sa naturang simbahan matapos itong i-declare na shrine.
Bukod sa pagpapari, teacher din si Father sa Batangas.