^

PSN Showbiz

Ronnie,binayaran ang paglabas ng anak sa pelikula

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakatuwa ang ikinuwento ni Ronnie Ricketts tungkol sa kanyang dalawang anak na babae. Ang kanyang panganay na si Marella na 10 years old ay may ibang talento sa pagsayaw at pagpipinta. Katunayan, ito ang choreographer sa kanilang iskwelahan kaya kapag may program, ito ang nagtuturo ng sayaw sa mga kaiskwela. "Magaling din siya sa drawing at masasabing artist kaya lang malayo siya sa ugali ng bunso kong si Marie na 6 years old na lista at gustong mag-artista. Minsan nga ay isinama ko siya sa syuting ng Uno. Bumulong siya sabay sabing ‘Daddy, gusto kong isama mo ako sa pelikula pero huwag mong sabihin sa direktor,’ aniya. Nang sabihin ko na ako ang direktor ay natawa ito kaya isinama ko rin sa movie bilang anak ni Edgar Mande. Binigyan ko rin siya ng talent fee kahit maliit lang para ma-feel na artista na nga siya," paliwanag ni Ronnie.

Palabas na ang Uno sa January 19 sa inyong mga paboritong sinehan.
Performer Of The Year
Tumawag sa amin ang mabait na manager ni Dennis Trillo na si Popoy at masayang ibinalita na si Dennis ang napiling Performer of the Year ng Young Critics Award mula sa UP filmmakers dahil sa outstanding performance nito sa Aishite Imasu 1941.

Dahil sa papuri sa Aishite Imasu 1941, may follow-up movie na siya sa Regal Films kung saan sinabi ni Mother Lily na isang light romantic comedy ang gagawin nito. Wala pang title pero ito ang susunod na movie ng aktor sa direksyon ni Jun Lana. After Mulawin ay may gagawin uli siyang teleserye ayon naman sa isang executive ng GMA 7.
Malapit Nang Ikasal Si Princess!
Akala namin ay ang Amerikanong pastor ang mapapangasawa ni Princess Punzalan. Ayon kay Virgie Balatico ay may boyfriend itong foreigner din at konektado sa American Embassy. Ikakasal ang dalawa sa Boracay ngayong Mayo. Sa ngayon, nasa Tate ang nobyo niya at nag-aaral bilang paghahanda sa bagong posisyong ibibigay sa kanya.

Ayaw ng bf ni Princess na mag-artista pa siya pagka-kasal nila.
Baka Mapaaga Ang Kasal Nina Claudine At Raymart!
Sa halip na 2006 ay baka mapaaga ang kasal nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Kaya lang di pa tiyak kung kailan ang kasal dahil ang sinundan ni Raymart na si Joan ay mauunang ikakasal sa kanila.
Project Ang Kapalit Ng Katawan Ng Young Actor
Mabilis ang tagumpay ng young actor na ito. Sikat na siya ngayon. Maraming project ang naibibigay sa kanya ng manager. Paano namang di ito magkakandarapa sa paghahanap ng mga proyekto ang manager, eh natitikman daw nito ang kanyang alaga bilang pabuya sa kanyang paghahanap ng projects. Pero kapag walang project, mainit na ang ulo ng manager dahil hindi nito maikama ang kanyang talent.

Visible sa mga TV shows ang guwapong aktor na inili-link sa isang baguhan ding aktres.

vuukle comment

AISHITE IMASU

AMERICAN EMBASSY

BAKA MAPAAGA ANG KASAL NINA CLAUDINE AT RAYMART

CENTER

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

EDGAR MANDE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with