Tatlong kumpanya lang ng pelikula,buo na ang MMFF!
August 14, 2004 | 12:00am
Naniniwala si Senador Bong Revilla na para mabuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino ay dapat na tumulong naman ang gobyerno. Wala nga namang magawa ang gobyerno sa patuloy na pagtaas ng cost of raw materials ng pelikula dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso at dahil sa mataas na taxes sa raw materials. Ang gobyerno laban sa mas malubha ngayong kaso ng video piracy. Hindi rin nga yata mapipigilan ng gobyerno ang pagtaas ng singil sa kuryente na magiging dahilan ng pagtaas ng singil ng mga laboratoryo at pagtaas din ng operating cost ng mga sinehan. Kaya naniniwala si Senador Bong na dapat pagbigyan naman ng gobyerno ang industriya na matagal na nilang milking cow, at magdeklara naman ng tatlong taong tax holiday para sa pelikula.
Hindi nangangahulugang walang kita ang gobyerno riyan. Kung may tax holiday at marami ang gagawa ng pelikula, malaki pa rin ang makukuha nila sa tax ng raw materials, at lalo na sa income tax ng mga artista. Ngayon, wala silang makuha sa mga artista dahil walang trabaho ang mga iyon.
Ngayon sasabihin namin, believe kami sa paninindigang yan ni Senador Bong Revilla. Walang taga-showbusiness na napunta sa Kongreso na nakapagsalita ng ganyan, kahit na ang tatay niya. Si Senador Bong lang ang nagpahayag ng pabor sa industriya ng pelikula. Sana naman, suportahan siya ng mga senador na taga-showbusiness. Palagay namin, makakatulong sina Senador Jinggoy Estrada at Senadora Loi Estrada riyan. Kung hindi maintindihan ni Senador Lito Lapid, payag kaming maging translator niya kung kailangan. Dapat naman sumuporta ang asawa ng megastar na si Sharon Cuneta, at ang asawa ni Vilma Santos sa panukalang yan.
Sasama kami sa kampanya ni Senador Bong para sa isang tax holiday sa industriya ng pelikula. Iyan lang talaga ang makapagsasalba sa industriya, wala nang iba. Kung hindi gagawin yan, makakadagdag pa ang mahigit na tatlumpung libong manggagawa sa industriya ng pelikula sa 5.1 milyong Pilipino na walang trabaho.
Natawa kami sa aming narinig. Tatlong kumpanya lang pala ng pelikula eh buo na ang Metro Manila Film Festival. May isang kumpanya na may apat na entries. May dalawang kumpanya na may tigalawang pelikula. Papaano pa nga makakapasok ang iba? Kung yan ay hindi mo matatawag na monopolyo, ano nga ba iyan? Talaga bang walang karapatan ang ibang producers na makasali naman diyan sa festival? Talaga bang tatlong producers lang ang magaling gumawa ng pelikula?
Kasi kung walang marunong gumawa ng pelikula kung di sila lamang, aba eh pabayaan na nating malibing ang industriyang ito.
Sa totoo lang, napakapangit noong hindi na halos nila nabibigyan ng pagkakataong makaangat ang iba. Ano ang akala nila, kanila lang ang industriya?
Hindi nangangahulugang walang kita ang gobyerno riyan. Kung may tax holiday at marami ang gagawa ng pelikula, malaki pa rin ang makukuha nila sa tax ng raw materials, at lalo na sa income tax ng mga artista. Ngayon, wala silang makuha sa mga artista dahil walang trabaho ang mga iyon.
Ngayon sasabihin namin, believe kami sa paninindigang yan ni Senador Bong Revilla. Walang taga-showbusiness na napunta sa Kongreso na nakapagsalita ng ganyan, kahit na ang tatay niya. Si Senador Bong lang ang nagpahayag ng pabor sa industriya ng pelikula. Sana naman, suportahan siya ng mga senador na taga-showbusiness. Palagay namin, makakatulong sina Senador Jinggoy Estrada at Senadora Loi Estrada riyan. Kung hindi maintindihan ni Senador Lito Lapid, payag kaming maging translator niya kung kailangan. Dapat naman sumuporta ang asawa ng megastar na si Sharon Cuneta, at ang asawa ni Vilma Santos sa panukalang yan.
Sasama kami sa kampanya ni Senador Bong para sa isang tax holiday sa industriya ng pelikula. Iyan lang talaga ang makapagsasalba sa industriya, wala nang iba. Kung hindi gagawin yan, makakadagdag pa ang mahigit na tatlumpung libong manggagawa sa industriya ng pelikula sa 5.1 milyong Pilipino na walang trabaho.
Kasi kung walang marunong gumawa ng pelikula kung di sila lamang, aba eh pabayaan na nating malibing ang industriyang ito.
Sa totoo lang, napakapangit noong hindi na halos nila nabibigyan ng pagkakataong makaangat ang iba. Ano ang akala nila, kanila lang ang industriya?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended