Kristofer, hinangaan ng banyagang kritiko

Tumataba ang puso ng baguhang aktor na si Kristofer King dahil sa mga natatanggap at naririnig na papuri mula sa mga banyagang kritiko na nakapanood sa performance niya sa Babae Sa Breakwater.

"Sa Cannes Filmfest pa lang ay ayaw nilang maniwala na mga baguhang artista kami ni Katherine (Luna)," ani Kristofer. "Ganito rin ang narinig ko noong opening ng CineManila International Filmfest sa Greenbelt-Makati. Pero may dagdag nang papuri, mas gwapo raw ako sa personal. Ha! Ha! Ha!."

Nakatakda ring ipadala ang Babae Sa Breakwater sa Brussels International Film Festival at sa Cinemaya Festival of Asian Cinema sa New Delhi, India sa buwang ito. Bago ang CineManila, ipinalabas din ang Breakwater sa French Film Festival. Dennis Adobas

Show comments