^

PSN Showbiz

Kay Aubrey lang si Troy

-
Hindi naging malinaw ang gustong ipakahulugan ni Troy Montero sa kanyang kasagutan sa tanong na pangungumusta tungkol sa kanyang sex life. Ang tanging nasabi nito ay he is pretty well-contained at may panahon daw noon na hindi niya kailangan ang sinuman pero napagtanto nito ngayon na hindi siya nangungulila sa lahat ng bagay, "I used to say that I didn’t need anybody but right now ... well, I would say I’m not missing anything."

Sa ngayon ay ayaw pa rin umamin ni Troy Montero tungkol sa relasyon nila ni Aubrey Miles pero inamin niya na ang sexy star ang pinakamalapit sa kanya. Sila ‘yong nababalitang magsyota pero ayaw nila ng seryosong relasyon at lalong ayaw nila ng commitment sa bawat isa. Pwedeng tawaging ideal ang kanilang relasyon dahil itong si Troy ay iniiwasan na ang kanyang pagkahilig sa night life at inihinto na rin nito ang pakikipag-date ng ibang chicks maliban kay Aubrey at sa parte naman ni Aubrey, umiiwas din itong nakikipag-date sa ilang lalaki maliban kay Troy.

Ayon kay Troy, walang katotohanan ang intriga sa kanya na kaya siya pumayag na maging endorser ng line of male underwear ay dahil wala nang patutunguhan ang kanyang showbiz career. Ang totoo nito, kahit may plano siyang magpa-sexy noon ay hindi niya nagawa dahil wala umano siyang matipunong pangangatawan na maipapakita. At isa pang dahilan, ayaw siyang payagan ng kanyang manager na maging sexy hunk. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

AUBREY

AUBREY MILES

AYON

KANYANG

PWEDENG

SILA

TROY

TROY MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with