^

PSN Showbiz

Baskteball player din ang manliligaw ni Angelica

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Binati ko sa pamamagitan ng text message si Jodi Santamaria at Luis Manzano sa mahusay nilang hosting job sa Star Circle Quest noong Lunes. Nagpasalamat ito sa akin pero ani Jodi, gagalingan pa niya ang kanyang trabaho.

"I read nga in one tabloid na wala raw akong K mag-host," relpy nito sa akin. "Kaya gagalingan ko pa, and I will prove them wrong."

"I know I have to learn more about hosting and my doors are open. Basta ang promise ko, everyday, may makikitang bago sa akin ang followers ng SCQ," sabi ni Jodi.

Exciting ang Star Circle Quest dahil sa mechanics ng show. Hindi mahirap ang trabahong ginagawa ng quest jurors sa "Teen Quest" na sina Boy Abunda, Lauren Dyogi at Ms. Gloria Diaz. They make decisions on the spot.

And because they deal with kids, mas kinder naman sina Eula Valdez, Maricel Laxa-Pangilinan at Randy Santiago na quest jurors sa "Kids Quest."

Three months na mapapanood ang Star Circle Quest and in June ay ang grand finals. Dalawang milyong worth of cash and contracts ang naghihintay sa dalawang winners sa Kid Quest at Teen Quest.
* * *
Very promising ang Sarah: The Teen Princess na nag-premiere telecast noong Lunes. Marami ang nag-aabang sa unang telecast nito. At hindi naman na-disappoint ang mga fans ni Sarah Geronimo. It was exactly the role that they want for Sarah. Masang-masa ang role ni Sarah pati na rin ang kwento.

Naniguro rin ang ABS-CBN na tututok ang mga fans ni Sarah na minahal siya sa husay niyang kumanta. Unang sabak pa lang, kumanta na si Sarah. Kinanta niya ang hit song nyang "To Love You More" sa singing contest na kanyang sinalihan.

Dahil sa Sarah: The Teen Princess, elevated na si Sarah sa liga nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Angelika dela Cruz at Judy Ann Santos na may kani-kanyang teleserye sa ABS-CBN.
* * *
Ibang-iba ang look ni Angelica Panganiban sa Mangarap Ka ang bagong teleserye na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Sa ginanap na photo shoot kamakailan sa Escolta, Manila, marami ang nagulat sa ibang look ni Angelica.

Naka-sleeveless top siya at tight-fitting jeans. ‘Yung mga kabataang kalalakihan na nanonood ng photo shoot ay talagang na-mesmerized sa ganda ngayon ni Angelica.

Noong una ay naiilang si Angelica sa kanyang get up. But upon the prodding of director Malu Sevilla, napilit din si Angelica at lumabas pa ang confidence nito.

Ibang-ibang Angelica ang makikita ng tao sa Mangarap Ka. Maganda ring career move ito ni Angelica para patunayan ang pagiging aktres niya.

Sa November, Angelica will turn 18 and by then, tiyak na isang malaking star na siya. Pinaplano na ng Mommy Annabelle niya ang debut party. Tiyak na gagawin din itong TV special ng ABS-CBN.

Ang balita ko, isang masugid na manliligaw ngayon ni Angelica ay si Wesley Gonzales, player ng Ateneo de Manila University team na naglalaro sa UAAP.

Pero papayag ba naman si Carlo Aquino na mapunta sa iba si Angelica?

vuukle comment

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

BOY ABUNDA

MANGARAP KA

QUEST

SARAH

STAR CIRCLE QUEST

TEEN PRINCESS

TEEN QUEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with