Belinda Brigth 2nd choice lang sa GSM calendar

Kung may duda man sa pagkakapili kay Belinda Bright para maging calendar girl ng Ginebra San Miguel sa taong ito with Maricar de Mesa, napawi ito nang i-assure si Belinda ng mga top execs ng nasabing kumpanya na ang proseso sa pagkuha nila ng mga modelo ay galing sa mga surveys.

Ang top choices sa limang pangalan na lumabas sa survey ang siyang naging basehan nila sa pagpili. At si Belinda ay isa sa mga ito. Kasama si Maricar.

Ibang usapan na kung sino sa kanilang dalawa ang tumanggap ng mas mataas na talent fee. Pero, sino nga ba, GSM?

Show comments