Mark Anthony, walang gf na G-Girls

Pagkakaibigan lang ang namamagitan kina Mark Anthony Fernandez at isang miyembro ng G-Girls na nagngangalang Rachel. Ang diskripsyon sa kanya (dancer) ng aktor ay hindi morena pero tsinita. Magkaganoon man ay hanggang paghanga lang ang aktor sa naturang dancer at mahirap sa kanyang kalagayan ang umibig muli dahil prioridad nito ang kanyang pagiging artista.

Ayon sa aktor, nakilala niya si Rachel sa pamamagitan ni Vandolph na kaibigan ng grupo na balita rin na nauugnay sa isa ring miyembro ng grupo at ang balita ay may kaugnayan na ang dalawa. Maganda ang pakita sa kanya ng grupo kaya naaliw siya sa samahan nila at minsan, ayon sa kanya ay naisama siya sa gimik pero ipinagdiinan pa rin nito na talagang magkakaibigan lang sila kahit ibinuking siya ni Vandolph na mayroon itong napupusuan sa grupo ng mananayaw.

Samantala, natutuwa naman siya sa kanyang kapatid sa ina na si Vandolph dahil natuto na itong muling umibig pagkatapos ng matagal na hindi nakaramdam ng pagtibok uli ng puso dulot ng pagkamatay ng kanyang syota sa isang aksidente. Sa parte naman ng aktor, wala muna siyang panahon na umibig muli. (Ulat ni Alex Datu)

Show comments