Sikat na boy band, bida sa soap

Hindi kataka-taka kung top rater ang Meteor Garden, bagong soap ng ABS CBN sa mga bansa sa Asya, tampok dito ang Asian phenomenal boy band na F4 kasama si Barbie Hsu Hsi Yuan.

Tungkol kay Shan Cai (Barbie), isang mahirap na estudyante sa isang iskwelahan para sa mayaman. Outcast siya at puntirya ng harassment ng mga kaiskwela niya para siya mapwersang umalis. Minsan sa pagtatanggol sa isang kaibigan ay nakagalit niya ang F4, isang grupo na binubuo ng apat na mas mayaman at kinatatakutang lalaki sa iskwela.

Ginawa nito ang lahat ng pang-iinis para mapilitan siyang umalis pero, lumaban si Shan Cai. Dahil dito nakuha niya ang paghanga ng lider ng grupo na si Dao Ming (Jerry Yan) pero, ayaw sa kanya ni Shan Cai, mas gusto nito si Lei (Vic Zhou) na nagligtas sa kanya sa pang-aabuso ng isang grupo ng lalaki. Ang dalawa pang myembro ng F4 ay sina Xi men (Ken Zhu) at Mei Zuo (Vanness).

Mapapanood na ang Meteor Garden sa ABS CBN sa Lunes, Mayo 5.

Show comments