Balik-pelikula si Rey

Mabuti na lang at hindi hinintay ang pagdating ng Hollywood actor na si Jack Palance para sa pelikulang Operation Balikatan ng Premiere Production. Kung hinintay kasi, baka hindi ito makaabot sa takdang petsa ng mga lalahok na pelikula sa Manila Film Festival. Bida sa naturang pelikula si Mayor Rey Malonzo, kasama sina Eddie Garcia, Monsour del Rosario at Carlo Maceda.

Sinabi ni Mayor Rey Malonzo na matagal na palang plano ni Direk Cirio Santiago na gawin ang pelikulang ito. Kaso, maraming commitment noon si Rey dahil naging chairman nga siya ng Metro Manila Film Festival. Hinintay pa na matapos muna ang mga commitment niya.

Hindi na nila hinintay si Jack Palance dahil ayaw nang pumunta rito dahil sa terorismo. Wala namang naging problema dahil okey naman kahit wala sa pelikula ang pamosong Hollywood actor. Vir Gonzales

Show comments