Alessandra gustong maging syota si Romel

Idinaan namin sa biruang pag-uusap na may balitang nali-link siya kay Alessandra de Rossi. Biglang namula ang mukha ng basketbolistang si Romel Adducul. Naramdaman namin na dyahe siya sa naging usapan namin dahil ayaw niyang mapulaan ng mga tagahanga niya at mga supporter na pagkatapos nitong makapaghiwalay kay Assunta de Rossi ay sa nakakabatang kapatid nito siya babaling.

Si Rommel ay 26 yrs old samantalang 19 si Alessandra, kaya ang turing ng baskebolista kay Alessandra ay nakababatang kapatid lalo na noong magsyota pa sila ni Assunta. "Wala na sigurong pagkakataong maging kami dahil hanggang ngayon ay younger sis pa rin ang tingin ko sa kanya at naging close kami nang magkahiwalay kami ng sis niya."

May balitang nakita si Alessandra sa isang game ng basketbolista at inamin naman n’ya ito pero ganoon pa rin ang pahayag niya sa nakababatang kapatid ng kanyang ex-syota. "I’m too old for her! Ha ha ha ha…!"

Iniba namin ang usapan at sinabi namin sa kanya na may nangyayaring ang nakakatuluyan ng artistang lalaki, iyong nakababatang kapatid ng syota nito na pwedeng mangyari sa kanila ni Alessandra. "Okey lang iyon, mabait naman si Alessandra! Ha ha ha ha…!" pangwakas nitong sambit. AD

Show comments