^

PSN Showbiz

Kris di na babalikan si Robin

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Natupad na sa wakas ang pangarap ni Robin Padilla na makatambal si Kris Aquino sa pelikula. Ito’y sa You and Me Against the World under FLT Films. First time na magtambal ang dalawa sa movie pero nagkasama ang dalawa sa sitcom na Pwedeng-Pwede.

Bukas na aklat ang pagkakaroon nila ng relasyon noon at kamuntik pa nga silang magtanan. May nagtatanong kung hindi kaya ligawang muli ni Binoe si Kris? "Hindi naman nawala ang pagtingin ko sa kanya hanggang ngayon. Narito pa rin siya sa puso ko. Pero mahirap nang madugtungan muli ang kahapon dahil may asawa na ako at mga anak. Siguro hanggang sa pelikula na lang kami magkakaroon ng relasyon," anang aktor.

Excited na si Binoe dahil magkakaroon sila ng lovescene ni Kris.

Maganda ang pasok ng taong ito sa aktor dahil sunud-sunod ang kanyang pelikula. Siya rin ang sumulat ng istorya ng Alab ng Lahi na tatampukan nilang dalawa ni Jacky Woo. Pagkatapos ng syuting ng kanilang pelikula ni Kris ay aasikasuhin naman nito ang post production ng Alab ng Lahi na magiging entry nila ng international action star sa nalalapit na Manila Film Festival sa Hunyo.
Babala: Mag-Ingat Sa ‘The Eye’
Kung labis na kinatakutan ang Japanese version ng The Ring na hanggang ngayon ay palabas pa rin ay garantisado kayong mapapasigaw sa pelikulang The Eye na kasalukuyang humahataw sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Europa.

Ayon sa ilang kritiko ay mas nakakatakot pa ito sa The Exorcist dahil pinaghalo ang psychological thriller at istorya tungkol sa multo.

Umikot ang kasaysayan kay Mann na nabulag noong dalawang taon gulang pero pagkatapos ng 18 taon ay nagbalik ang paningin dahil sa corneal transplant. Isang serye ng mga di maipaliwanag na pangyayari ang kanyang nararanasan kung saan sari-saring multo ang kanyang nakikita tuwing titingin sa salamin. Ano kayang kahiwagaan ang bumabalot dito?

Nagbabala nga ang mga may-ari ng sinehan na huwag panoorin ang The Eye nang nag-iisa at baka kung anong mangyari sa kanila.

Tampok sa The Eye sina Lee Sin-Je at Laurence Chou sa direksyon ng Pang Brothers. Palabas na sa Pebrero 5 at released ng Solar Films.
Blind Item: Na-Turn Off Sa Kabastusan Ng Sexy Star
Isang lugar sa Southern province ang naging guest noon ang sikat na sexy star na ito. May mga kalalakihan na gustong ipaimbita uli ang bold actress pero ayaw na ng Komite de Festejos dahil nalaswaan sila nang kumanta ito sa stage. Gusto sana ng mga kalalakihan na gawing isa sa miyembro ng Board of Judges ng singing contest ang sexy actress at magparinig uli ng awitin.

Na-turn off ang mga bisita nang kumanta noon ang sexy actress sa harap ng isang lalaking kinuha sa audience kung saan niyakap ito sa baywang at ipinasok ang kamay sa pantalon ng lalaki at nang ilabas ang kamay matapos ang awitin ay nag-dialogue ng ganito. "Ang lagkit naman! Siguro kumawala ang ibon mo diyan". Hindi nagustuhan ang biro nito ng mga kababaihan pero padyak naman nang padyak sa katuwaan ang mga kalalakihan.

Nasa harap pa naman ng simbahan ang stage kaya maraming manang ang nanood sa malaswang sexy star. Pasupu-suporta na lang ngayon ang bold star sa mga launching movies ng mga baguhang artista.

vuukle comment

ALAB

BLIND ITEM

BOARD OF JUDGES

ISANG

JACKY WOO

KRIS AQUINO

LAHI

LAURENCE CHOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with