^

PSN Showbiz

Grabeng halikan nina Kris at Robin

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring maalis-alis sa aming isip ang nakita naming mainit na paghahalikan nina Kris Aquino at Robin Padilla sa isang eksena sa You And Me Against The World ng FLT Films.

Patikim pa lang ‘yun, ipinalabas sa Morning Girls With Kris and Korina ang ilang anggulo ng paghahalikan ng dating magkarelasyon, at kami mismo’y hindi makapaniwala na puwede na pala ngayon sa ganu’n katinding pakikipaghalikan ang magaling na TV host.

Walang halong eksaherasyon, oo nga’t marespeto naman ang ginawang paghalik ni Robin kay Kris ay ibang-iba pa rin ang naging dating no’n para sa amin, kitang-kita kasi namin kung paanong habang parehong nakapikit ay naghahanapan talaga sila ng labi.

Kitang-kita rin sa isang anggulo kung paanong gumagalaw-galaw ang mga labi ni Robin sa paghalik, na buong-ningning namang tinatanggap at sinasagot ni Kris, kaya sa isang eksena ay makikita na ang buong pang-ibabang labi ng TV host na tinitikman naman ng action star.

Bukod sa pagkagulat at pagkakilig sa isinagot namin sa eksena bilang isang manonood ay tuwang-tuwa pa kami sa ipinakitang reaksiyon nina Kris at Korina Sanchez.

"Kris, alam ba ng mommy mo ang ginawa mong ito?" napapamangha rin ang magaling na newscaster sa tindi ng eksenang napanood nito.

Tawa nang tawa si Kris, oo naman daw dahil lampas 30 na siya, kasabay ang pagsasabing level four pa nga lang daw ang nakitang ‘yun ng publiko.

Nanlaki ang mga mata ni Korina, "Ha? Level four pa lang ‘yun? Bakit, may level-level din ba ang kissing scene?" tanong uli ni Ate Koring sa kanyang co-host sa programa.

Tumatawa-kinikilig na sinabi ni Kris na oo raw, kaya may kukunan pang kissing scene nila ni Robin si Direk Joe Carreon na mas matindi, at sa beach daw kukunan ‘yun.
* * *
Nakakatuwa ang kataklesan ni Kris, siya pa ang nagpaalala kay Korina na may nakaraan silang relasyon ni Robin Padilla, palibhasa’y puro isyung-pampulitika ang iniikutan ng buhay ng newscaster.

Buong-ningning na sinabi ni Kris na ang sarap-sarap makipag-kissing scene sa isang lalaking may mabangong hininga, lalo na kung malambot ang labi ng lalaki, tulad ni Binoe.

Ikinuwento rin ni Kris na sinabi raw sa kanya ni Robin na pinaghandaan nitong mabuti ang eksena, nakailang mumog daw ng Astring-Osol ang action star, bukod pa sa nagpalinis ng ngipin.

Nakakaaliw talaga ang pagkalukaret ni Kris, ‘yun ang katangiang meron ang TV host-actress na hindi kayang tapatan ng kahit sino, talagang inilalantad niya sa publiko ang totoo.

Pagkatapos naming panoorin ang mga eksenang ‘yun ay kausap na namin sa telepono si Mommy Rose Flaminiano, ang prodyuser ng FLT Films, at sinabi nito sa amin na nu’ng kunan ang kissing scene nina Robin at Kris ay parang walang ibang tao sa kanilang paligid na ginawa ‘yun ng mga bida.

"Kahit yata ang pagsigaw ng cut ni Direk Joecar, e, hindi na nila maririnig sa sobrang pagkadala sa eksena, kaya ang sabi ko kay direk, e, huwag na siyang mag-cut!

"Ituloy-tuloy na lang ‘ikako niya ang eksena, nang maging natural na natural ang dating!" tumatawang sabi sa amin ni Mommy Rose.

Nakapanood na rin kami ng mga pelikula ni Kris na may kissing scenes sila ng kanyang leading men, pero kakaiba ang paghahalikan nila ni Robin ngayon, bigay na bigay sa mga eksena ang TV host.

Kunsabagay ay hindi naman mahalay tingnan ang kanilang ginawa, nakagugulat lang talaga.

Ang tanong na hanggang ngayo’y gumugulo sa aming isip, wala kayang paggalaw ng dila ng action star sa eksenang ‘yun ng kanilang halikan ni Kris?

vuukle comment

ATE KORING

DIREK JOE CARREON

DIREK JOECAR

EKSENA

KORINA

KRIS

ROBIN

ROBIN PADILLA

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with