^

PSN Showbiz

Angelu hindi pa magpapakasal sa nobyong anak ng pulitiko

-
Pinabulaanan ni Angelu de Leon na nakahanda na siyang humarap sa dambana kahit anong oras na yayain siyang pakasal ng nobyong anak ng pulitiko mula sa Norte. Wala pa sa plano nito ang pagpapakasal kahit alam niyang nangangailangan siya ng isang lalaking tatawaging ‘‘Daddy’’ ng kanyang dalawang anak.

Pinabulaanan din nito na walang katotohanan iyong kumakalat na intriga na kaya nakahanda na siyang magpakasal sa kanyang nobyo ay dahil mayaman ito. Hindi niya kailangan ang maraming pera ng kanyang nobyo dahil malaki naman ang kanilang namanang kayamanan mula sa namayapang lolo nito. Pag-ibig ang dahilan kung bakit siya magpapakasal sa isang lalaki at kung bakit siya nakahandang magpabuntis uli.

Sa pelikulang D’ Uragons ay makikitang hindi siya ang ibenebenta sa naturang pelikula kundi ang mga leading na sina Eddie Garcia at Andrew E. Aminado ang aktres na hindi pang bida ang kanyang papel pero hindi naging dahilan iyon para di niya tanggapin ang naturang pelikula, ‘‘Okey lang iyon. Ako naman ang leading lady ng bida eh. Kaya ko naman tinanggap iyon ay dahil I’m making a comeback after two years na wala akong nagawang movie.

Kasama ni Angelu sa naturang pelikula si Joko Diaz ang ama ng kanyang panganay na si Nicole na masyadong inintriga ang kanilang pagsasama kaya nauwi sa wala ang bubuuin sana nilang pamilya.

‘‘At this point, I don’t have to be emotional. I have to face the reality. Kailangang magpakatotoo ako para sa dalawa kong magagandang anak na dapat mabigyan ko ng magandang kinabukasan. Hindi ko hinihintay ang suporta ng kanilang mga ama dahil kakayanin kong buhayin sila.’’ (Ulat ni Alex Datu)

vuukle comment

ALEX DATU

AMINADO

ANDREW E

ANGELU

EDDIE GARCIA

JOKO DIAZ

KAILANGANG

KASAMA

KAYA

PINABULAANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with