^

PSN Showbiz

Mikey ikakasal sa taong ito: Di na naniniwala sa pinsan-pinsan...

- Veronica R. Samio -
Mismong ang kanyang inang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagkumpirma na ikakasal na ang kanyang panganay na anak na si Mikey Macapagal Arroyo sa girlfriend nitong si Angela Montenegro sa taong ito sa isa sa kanyang mga interviews sa telebisyon nung Kapaskuhan.

Kung sabagay, hindi na bago ang balitang ito. Sa mga interviews din ni Mikey para sa promosyon ng kanyang pelikula na nakasama sa Metro Manila Filmfest, ang Di Kita Ma-Reach, inamin na rin niya na magpapakasal na sila ng kanyang girlfriend bagaman at hindi niya tiniyak kung sa taon ngang ito.

Marami ang nagwo-worry para kay Mikey sapagkat bukod sa second cousin niya ang kanyang mapapangasawa na marami sa atin ang nagsasabi na hindi pwedeng maging mag-asawa pero, binigyan na ng basbas ng Simbahan at sinasabi ring legal ng mga may alam sa batas.

Ang pangyayaring magpapakasal sila sa taong ito ay taliwas din sa kinagisnan na nating tradisyon na hindi nagsusukob sa taon ang magkapatid. Ang kapatid na lalaki ng kanyang girlfriend ay nakatakda nang ikasal kay Ana Roces very soon. Nakapagtataka ba kung marami ang magulat sa sinabi ng Pangulo na ikakasal din sa taong ito ang kanyang anak?

Pero, marahil nga ay masyado nang makaluma ang maraming Pilipino sa pag-asam na maghihintay pa ng isang taon sina Mikey at Angela gayong nagsisimula na sila ng paghahanda para sa isang malaking kasalan sa taong ito.
*****
Sa halip na magdamdam sa di pagkakasali ng kanyang pelikulang Walang Iwanan...Peksman sa ginaganap na MMFF, nagpasalamat pa nga si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada na ngayon lamang Enero 9 ito maipapalabas sapagkat, mas dumami pa ang sinehan na mapaglalabasan nito at makakapili pa sila ng theater. Yung mga nakasali sa festival ay tinanggap na lamang ang mga na-assign sa kanilang theater na dinaan yata sa raffle.

"For delicadeza, talagang hindi namin tinapos ang pelikula at isinali in last year’s filmfest dahil kasali ako sa executive committee ng festival," ani Jinggoy sa presscon ng movie na dun mismo sa Veterans Memorial Hospital ginanap recently. Hindi lamang present ang mga major stars ng movie, present din ang mga loyal friends ni Jinggoy at ng kanyang pamilya sa pamumuno ng kanyang ama na dating Pangulong Joseph Estrada.

"Nagpaalam ako sa mga kinauukulan para makapasok ang media dito sa ospital. Nagkaroon lamang kami ng gentlemen’s agreement na ang pag-uusapan lamang ay tungkol sa pelikula," dagdag pa ni Jinggoy.

Present sa presscon si Judy Ann Santos, na binibiro ng marami sapagkat hindi ito nag-promote ng pelikula niya with Mikey Arroyo pero sa movie nila ni Jinggoy ay all-out ang support niya.

"Hindi naman ako ang nagdi-decide nito kundi ang manager ko," paliwanag niya.

Also starred in the film is Bayani Agbayani sa direksyon ng magaling at batikang si Toto Natividad.

vuukle comment

ANA ROCES

ANGELA MONTENEGRO

BAYANI AGBAYANI

JINGGOY

KANYANG

MIKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with