Ace, may follow-up movie agad!

Dahil sa lakas na ipinakita sa takilya ng pelikula ni Ace Vergel na Carta Alas...Huwag Ka Nang Humirit, binigyan na kaagad ng follow-up movie ng FLT ang action star. Nakipag-meeting na sina Ace at ang manager niyang si Dondon Monteverde kay Mommy Rose Flaminiano para dito. Si Direk Jun Posadas naman ang magdidirek ng pelikula.

"I’m thankful kasi nandiyan pa pala ang suporta ng mga moviegoers sa pelikulang ginawa ko. Ang akala ko, wala na akong babalikan. Buti na lang, hindi pa rin nila ako pinababayaan," pahayag ni Ace.

Para sa mga nakaka-miss na ng mga pelikulang tulad ng Anak ng Carbon at Pieta, sisikapin ni Ace na makagawa ulit ng mga ganitong klase ng pelikula sa hinaharap. "Alam ko kung ano ’yung nami-miss sa akin ng tao and I’m working on it. Hindi lang naman sila ang nakaka-miss nu’ng ganung klase ng pelikula. Kahit ako, gusto ko ulit gumawa ng ganun," sabi pa niya.

Kasama ni Ace Vergel sa pelikulang Carta Alas na palabas pa rin ngayon sa mga sinehan sina Antoinette Taus, Efren Reyes, Jr., Piel Morena at Wowie de Guzman. Si Jose N. Carreon naman ang sumulat at nagdirek ng pelikula.

Show comments