^

PSN Showbiz

Sherilyn, tinatawanan ang pagli-link sa kanila ni Anjo

-
Tinatawanan lang ni Sherilyn Reyes ang intriga sa kanila ni Anjo Yllana. Lately ay napabalitang na-develop ang dalawa dahil almost everyday silang magkasama sa Eat Bulaga. Ayon sa isang kaibigan ni Sherilyn, malicious ang nasabing intriga dahil sa katunayan ay never nag-date ang dalawa dahil kapwa na sila may responsibilidad. Si Anjo, kapapanganak lang ng asawang si Jackie Manzano samantalang very much in love si Sherilyn sa asawa niyang si Jonjon Santiago. "Siguro lang walang magawang mabuti 'yung mga taong nang-iintriga sa kanila kaya kahit hindi totoo iniintriga nila 'yung dalawa," react ng isa pang friend ni Sherilyn.

Hindi rin daw totoong masama ang loob ng aktres sa Philippine Movie Press Club dahil hindi siya ang nanalong best comedy actress. "Bakit naman sasama ang loob ko eh hindi naman ako nagi-expect. Karangalan na sa akin ang ma-nominate," Sherilyn says sa kanyang mga unang pahayag noon.

Imbes na pagtuunan ng pansin ni Sherilyn ang intriga, mas nagko-concentrate siya ngayon sa kanyang asawa't anak at career. Bukas ng gabi, mapapanood siya sa Kasangga sa episode na "Bata, Sinagasaan ng Six Wheeler." Kuwento ito ng batang nasagasaan na nang malaman ng driver na buhay pa ay inatrasan pa niya ito para tuluyang mamamatay. Makakasama ni Sherilyn sa nasabing episode sina Gardo Versoza, Carmi Martin, Pocholo Montes, Lito Pimentel, Richard Quan among others. Ang Kasangga ay napapanood tuwing Martes, 9:00-10:30 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

ANG KASANGGA

ANJO YLLANA

CARMI MARTIN

EAT BULAGA

GARDO VERSOZA

JACKIE MANZANO

JONJON SANTIAGO

LITO PIMENTEL

SHERILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with