Sa birthday ni Vina

Masaya si Vina Morales ngayon dahil sa kanyang kaarawan sa October 17 ay ihahandog ng Millennium Cinema ang pagpapalabas ng pelikulang Sagot Kita...Mula Ulo Hanggang Paa kung saan leading lady siya ni San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Maraming hiling si Vina sa kanyang kaarawan at isa na nga rito ay makilala siya bilang isang international recording artist.

"Sa tulong ng OctoArts-EMI, malapit nang matupad ang pangarap kong makilala sa ibang bansa sa Asya," kuwento pa niya. "Sinisimulan ko na ang bagong album ko na ire-release sa buong Asya. Dinarasal kong maging successful ito."

Show comments