^

Probinsiya

Inuman nauwi sa pikunan: Senglot utas, 1 pa sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kaibigan nang mauwi sa gulo ang kanilang masaya sanang pag-iinuman sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Cainta Municipal Hospital ang biktimang si alyas “Don” habang sugatan at nilalapatan pa ng lunas sa East Avenue Medical Center ang biktimang si alyas “Leo”, kapwa residente ng Brgy. San Juan, Cainta.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Brgy. San Juan.

Sa salaysay ng isang testigo, lumilitaw na bago ang insidente ay masaya umano silang nag-iinuman nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima.

Nauwi umano ang argumento sa suntukan hanggang sa mahulog ang dalawa sa hagdanan, sanhi upang kapwa sila magtamo ng matinding sugat.

Mabilis naman silang isinugod ng mga kaanak sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay ang biktima.

vuukle comment

CAINTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with