8 BIFF terrorists sa Maguindanao, sumuko
MANILA, Philippines — Walong pinaghihinalaang miyembro ng mga lokal na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices ang sumuko sa tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Mirah, Upi, Maguindanao del Norte kamakalawa.
Sa report ni Army’s 6th Infantry Division at Joint Task Force (JTF) Central commander Major Gen. Alex Rillera, sumuko ang walong lokal na terorista sa himpilan ng 57th Infantry Battalion (IB) sa nasabing lugar.
Ayon kay Lt. Col,Guillermo Mabute, Commanding Officer ng Army’s 57th IB ang mga nagsisukong BIFF members ay kinabibilangan ng isang miyembro ng Karialan faction at pitong miyembro naman ng Bungus faction na pawang sangkot sa paghahasik ng terorismo.
Ang mga nagsisukong BIFF members ay iprinisinta ni Mabute kay Brig.Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Persuader Brigade ng Phl Army na binigyan ng karampatang tulong sa pagsuko sa pamahalaan.
Isinurender din ng mga bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang 7.62 MM rifle, isang 7.62 MM SLR rifle, isang cal.30 M1 garand rifle, isang cal.30 M2 carbine rifle, isang cal.45 pistol, isang 9MM Uzi -type pistol, isang rocket-propelled grenade, dalawang M79 grenade launchers, apat na 12 gauge shotguns, dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs) na may detonating cords, mga magazine at bala.
- Latest