^

Probinsiya

Motor vs truck: Lady rider patay, angkas kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motor vs truck: Lady rider patay, angkas kritikal
Kinilala ang nasawing biktima na si Eloisa Avizola, 38-anyos, residente ng Muzon Road, Brgy. Asis 1, Mendez-Nuñez, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas niyang si Menierva Abante , 47, ng Sitio Bagong Purok, Brgy. San Jose, Tagaytay City, Cavite. 
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lady rider habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas nitong babae makaraang sumalpok sa kasalubong na truck ang kanilang motorsiklo kamakalawa sa Tagaytay Amadeo- Road, Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City. 

Kinilala ang nasawing biktima na si Eloisa Avizola, 38-anyos, residente ng Muzon Road, Brgy. Asis 1, Mendez-Nuñez, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas niyang si Menierva Abante , 47, ng Sitio Bagong Purok, Brgy. San Jose, Tagaytay City, Cavite. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:25 ng umaga habang bumabagtas ang dalawa sakay ng Honda click 125 (909QSB) sa naturang lugar patungo sa direksyon ng Tagaytay-By Pass Road nang bigla silang bumangga  sa Mitsubishi Canter Truck (NDV2588) na minamaneho ni Jojo Cadua, 43, ng Felipe Blvd. Caridad, Cavite City, Cavite.

Ayon sa pulisya, may kabilisan umano ang patakbo ng mga biktima at sumalpok sa unahang bahagi ng truck ni Cadua.

Kapwa tumilapon ang sakay ng motor na agad naisugod sa Ospital ng Tagaytay subalit idinekla­rang dead-on-arrival si Avizola na driver ng motorsiklo habang nasa malubhang kalagayan ang angkas nito.

Hawak ng pulisya ang driver ng trak at sasampahan ng mga kaukulang kaso.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with