^

Probinsiya

Kampanya vs cervical cancer inilunsad sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang mas pina­igting na kampanya para sa eliminasyon ng cervical cancer sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kamakailan bilang bahagi ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong Mayo na may temang “Babae, Maha­laga Ka!” na naglalayong hikayatin ang mga kababaihan na sumailalim sa cervical screening para sa kanilang kalusugan. 

Binigyang diin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakatuon ang ­kampanya sa counseling, screening, at paglalapat ng lunas. Aniya, layunin ng inisyatiba na pataasin ang kaalaman ng mg kababaihan tungkol sa cervical cancer at kung paano ito maiiwasan. 

Bilang bahagi ng kampanya, maaaring sumailalim sa cervical screening tulad ng pap smear sa lahat ng rural health units para sa mga kababaihan na edad 35 pataas. 

Ibinahagi rin ni Vergeire ang nakakagulat na estatistika na 12 kababaihan ang namamatay araw-araw dahil sa cervical cancer sa Pilipinas. 

Bago ilunsad ang kampanya, nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pinamumunuan nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro, sa pamamagitan ng Provincial Health Office - Public Health, ng libreng HPV vaccine (Anti-Cervical Cancer) na ibinibigay sa mga rural health unit para sa mga batang babae na edad 9-14 taon. 

Ang hakbang na ito ay naglalayong pataasin ang bilang ng maagang pagkatuklas at mapabuti ang resulta para sa mga at risk na indibidwal.

vuukle comment

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with