^

Probinsiya

2 lider ng NPA, todas sa engkuwentro

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 lider ng NPA, todas sa engkuwentro
Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Adonis Ariel Orio, naganap and engkuwentro nang paputukan umano ng grupo nina Zaldy Galamiton at John-John Ramos ang tropa ng mga sundalo ng 16th Infantry Battalion na naatasang magsiyasat sa mga ulat ng mga residente ng Barangay Bal-ason hinggil sa presensya ng mga rebeldeng NPA sa kanilang kapaligiran na nanghihingi ng pera at bigas.
Interaksyon / File

COTABATO CITY , Philippines  - Dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang patay matapos masukol at makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Bal-ason, sa Gingoog City, Misamis Oriental nitong Miyerkules.

Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Adonis Ariel Orio, naganap and engkuwentro nang paputukan umano ng grupo nina Zaldy Galamiton at John-John Ramos ang tropa ng mga sundalo ng 16th Infantry Battalion na naatasang magsiyasat sa mga ulat ng mga residente ng Barangay Bal-ason hinggil sa presensya ng mga rebeldeng NPA sa kanilang kapaligiran na nanghihingi ng pera at bigas.

Agad na nasawi sa naturang engkuwentro ang matagal nang mga wanted sa iba’t ibang kaso sa mga korte na sina Galamiton at Ramos, na parehong mataas na opisyal ng North Central Mindanao Committee ng NPA.

Sa ulat, mabilis na tumakas ang mga kasama ng naturang dalawang wanted na NPA officials nang makitang parehong nabuwal ang dalawa sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakumpiska ng mga kasapi ng 16th IB na nakapatay kina Galamiton at Ramos ang dalawang M16 assault rifles at isang bag na may lamang mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices sa tabi ng kanilang mga bangkay.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with