^

Probinsiya

Arms cache ng teroristang grupo, nahukay ng tropa ng 7IB

Pilipino Star Ngayon
Arms cache ng teroristang grupo, nahukay ng tropa ng 7IB
ng mga sundalo habang hinuhukay ang mga nakabaon na armas sa Sitio Mudti, Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat nitong Huwebes.
DPAO6IDPA photo

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte , Philippines — Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga ibinaon na armas ng mga teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat umaga nitong Huwebes.

Ang mga armas na nahukay ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang M14 rifle at dalawang Caliber .45 pistol.

Naging susi ang pakikipagtulungan ng mga residente ng naturang barangay sa pagkakatunton ng mga nasabing armas dahil sa malaking tiwala ng mga ito sa tropa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion, na patuloy sa pagsasagawa hindi lamang ng mga security patrols sa mga komunidad, kundi pati na rin ang masinsinang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales at residente ng mga barangay na siniserbisyuhan nito.

Ayon kay Major Ge­neral Alex S. Rillera PA, ang pinuno ng 6ID at JTF-Central, patunay ito na ayaw na ng mga residente na muling magkaroon ng presensya ng mga komunistang terorista sa kanilang komunidad.

vuukle comment

DOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with