^

Probinsiya

Mister namili sa palengke, tiklo sa pekeng P500 bill

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Arestado ang matandang binata na bumili ng chicken dress at nagbayad ng pekeng pera sa isang pamilihan sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), kamakalawa ng tanghali.

Kinilala lang ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas Diome, 54, unemployed, residente ng Brgy. BB2.

Sa report ng SJDM Police kay Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo, nangyari ang insidente bandang 12:30 ng tanghali sa Brgy. Muzon Proper.

Ayon sa report, nagkunwaring customer at bumili ng 2-kgs chicken dress na nagkakahalaga ng P340 ang suspek sa vendor na si Allan kapalit ang P500 bilang kabayaran.

Natuklasan ng tindero na peke ang P500 bill na ibinayad sa kanya ng suspek kaya humingi siya ng saklolo sa mga tauhan ng barangay na agad namang rumesponde kaya napigil ang suspek at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang umano’y dagdag na pekeng P3,500.

vuukle comment

SJDM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with