Dalagang therapist ginahasa, ninakawan

Nagsampa ng mga kasong paglabag sa RA 8353 o rape with robbery ang biktima na kinilala sa alyas na “Deth”, residente sa nasabing lungsod.
STA/ File

Suspek, nagpa-hotel service

CAVITE , Philippines — Isang dalagang massage therapist ang ni-rescue sa isang hotel inn kung saan nito sinerbisan ang isang kliyenteng nagpa-massage sa kanya at diumano’y gumahasa at tinangay pa ang kaniyang cellphone, alahas at pera, kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.

Nagsampa ng mga kasong paglabag sa RA 8353  o rape with robbery ang biktima na kinilala sa alyas na “Deth”, residente sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:40 ng madaling araw nang i rescue ng Antipolo police sa Room #64 Punch Inn Hotel, Maguey Road, Brgy San Luis, Antipolo City,Rizal ang biktima at sa salaysay nito,  isang customer umano ang nagpa-book ng massage sa handler nito.

Sa Punch Inn hotel umano naka-check in ang suspek na kinilala sa alyas na Angelo at dito pinapunta ng kanyang handler upang serbisan ng massage ang suspek.

Pagdating umano dito ng biktima, sinimulan na nito ang pag-massage subalit dito umano siya agad hinawakan ng suspek at naganap ang panggagahasa.

Bago tumakas ang suspek ay tinangay pa nito ang cellphone, pera at alahas ng biktima.

Nakahingi ng tulong sa pamunuan ng nasabing hotel na agad naman itinawag sa pulisya at naganap ang pag-rescue.

Show comments