3 Chinese drug trafficker nasukol, P3.4 milyong droga samsam

Kinilala ni Col. Rommel Estolano, Highway Patrol Group-Calabarzon police director, ang sugatang Chinese na si Yan Xing Xue na isinugod sa Mary Mediatrics Medical Center sa Lipa City, Batangas dahil sa tama ng bala ng baril. Dalawa sa kanyang kapwa Chinese na sina Ming alias “Koi”, 23, at Ko Xiao Ya, babae, 50, kapwa residente ng Pasay City, ay inaresto ng mga rumespondeng operatiba ng HPG4 na hinabol sa kahabaan ng tollway road dakong ala-1:30 ng hapon. Nasa kustodiya na sila ng pulisya.
STAR/ File

Buy-bust nauwi sa barilan, habulan

MANILA, Philippines — Nauwi sa barilan at habulan ang ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A sanhi ng pagkakasugat ng isang hinihinalang Chinese drug trafficker habang arestado rin ang kanyang dalawang kalahi nang masukol ng Highway Patrol Group (HPG) sa kahabaan ng STAR tollway sa Malvar, Batangas, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Col. Rommel Estolano, Highway Patrol Group-Calabarzon police director, ang sugatang Chinese na si Yan Xing Xue na isinugod sa Mary Mediatrics Medical Center sa Lipa City, Batangas dahil sa tama ng bala ng baril.  Dalawa sa kanyang kapwa Chinese na sina Ming alias “Koi”, 23, at Ko Xiao Ya, babae, 50, kapwa residente ng Pasay City, ay inaresto ng mga rumespondeng operatiba ng HPG4 na hinabol sa kahabaan ng tollway road dakong ala-1:30 ng hapon. Nasa kustodiya na sila ng pulisya.

Bago ang pagkakaaresto sa tatlo, sinabi ni Master Senior Sergeant Jomard Zomil, imbestigador ng HPG4A, na nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency-Batangas laban sa mga suspek sa Barangay San Andres, Malvar.

Ang mga Chinese na sakay ng isang black sedan vehicle (UKI-519), ay naghinala na ang kanilang ka-drug deal ay isang undercover agent ng PDEA na nagresulta sa pamamaril ng mga suspek, ani Zamil.

Agad na tumakas ang mga Chinese mula sa buy-bust site patungo sa kahabaan ng STAR tolls sanhi ng running gun battle.

Agad na inalarma ng PDEA-Batangas ang lahat ng police units at humingi ng tulong sa mga operatiba ng HPG4 para maharang ang sasakyan ng mga tumatakas na Chinese.

Agad rumesponde ang mga operatiba ng HPG4A na sakay ng isang mobile patrol (J-86) sa pangunguna ni Col. Estolano sa naturang lugar. Isang 75-kilometro ang layo sa kahabaan ng tollway, nakita ng isang grupo ng mga operatiba ng HPG4 ang sasakyan ng mga Tsino, kaya agad sinenyasan na itigil ang kanilang kotse.

Hindi na nakapalag at nanlaban ang mga Tsino sa pag-aresto nang makorner na sila ng mga rumespondeng opera­tiba ng HPG4A.

Narekober ng pulisya sa pag-iingat ng mga suspek ang isang brown paper bag na naglalaman ng mahigit 500 gramong shabu na may hala­gang P3,400,000, isang black iphone, isang purple iphone, dalawang android phone at ang sasakyang kanilang gamit.

Show comments