BuCor, DSWD lumagda ng MOA, agriculture camp sa Pampanga itatayo
MANILA, Philippines — Nilagdaan na kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Pampanga State Agricultural University ang tripartite Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo ng Agricultural Camp para sa children in conflict with the law (CICL) sa Pampanga.
Ang MOA ng Agri-Camp Project “Sowing seeds of hope through sustainable farming” ay nilagdaan ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian na kinatawan ni DSWD Undersecretary Emmeline Aglipay Villar at Dr. Anita David, pangulong PSAU sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Haven for Girls sa Magalang, Pampanga.
Dumalo rin sa MOA signing sina Magalang Mayor Malou Lacson, Dr. Geraldine Sanchez, PSAU Vice President for Research, Innovation, Extension and Training, Dr. Amalia C. Briones, PSAU Director for Extension and Training, Dr. Rafael R. Rafael , PSAU, Agriculture Systems and Technology, Carlos De Dion, Director for Public Affairs and International Linkages, Usec. Monica Josefina Romualdez, Assistant Secretary Rommel Lopez, ASEC Elaine Fallarcuna at Region III Director Venus Rebuldela, pawang ng DSWD.
Layunin ng MOA na bumuo ng kooperasyon at magsulong ng “mutual understanding” sa tatlong institusyon. Nakapaloob sa pag-unawa ang pagbabalangkas ng mga karaniwang programa, patakaran at plano para sa pagpapaunlad ng mga institusyon at paglago ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Hinimok din ni Catapang ang DSWD na maglagay ng Agri Camp tulad nito sa Iwahig bilang ipinagmamalaki niya ang 28,000-ektaryang lote ng BuCor sa Puerto Princesa.
- Latest