3 rebelde sumuko sa Quezon Province
CAMP BGEN. GUILLERMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong rebelde na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO )kamakalawa.
Sinaksihan ni PCol. Ledon Monte,provincial director ng Quezon Provincial Police Office, ang boluntaryong pagbalik-loob ng mga nasabing rebelde sa ilalim ng programang “Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) “Balik-loob-Pagsuko at Pagkalas sa CPP-NPA”.
Kasabay ng pagsuko nina alyas “Sandy”, “Mulong” at “Jet” ay ang pagturn-over ng tatlong baril at dalawang pampasabog bilang pagpapatunay sa kanilang katapatan sa pamahalaan.
Samantala, ang bawat rebel returnee ay tumanggap ng cash incentive at grocery bilang inisyal na tulong habang pinuproseso ang kanilang benipisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Programs (ECLIP).
- Latest