Babae sa duyan nabagsakan ng malaking bato, pisak!
Sa kasagsagan ng quarry opersyon sa bundok
ATIMONAN, Quezon, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 37 anyos na babae matapos madaganan ng malaking tipak na bato na nagmula sa quarry operation sa bahagi ng bundok sa Sitio Pansol, Brgy. Sokol sa bayang ito, kamakailan.
Namatay habang ginagamot sa osptital ang biktima na kinilalang si Mary subalit nalagutan din ito ng hininga dahil sa grabeng kapinsalaan sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at ulo.
Ayon sa pulisya, ganap na alas-11:00 ng tanghali ay nakahiga sa duyan ang biktima na may layong 3-metro sa ginagawang kalye habang ino-operate naman ng kanyang live-in partner na si Norberto 52, ang isang backhoe, sa pamamagitan ng cellphone ay tumawag umano si Norberto sa helper na si Yael upang siguruhing walang tao sa ibaba ng bundok kung kaya’t sinabihan ng huli sa Mary na umalis sa duyan.
Ipinagkabikit balikat lamang ni Mary ang babala hanggang sa gumulong pababa ang malaking boulder mula sa bahagi ng bundok sa taas na 30 metro at nagulungan ang duyan na kinahihigaan ng biktima.
Mabilis na isinugod sa ospital sa Dona Martha Hospital sa Atimonan, Quezon ang biktima subalit dahil sa grabeng pinsala ay inilipat ito sa ACE Hospital sa Sariaya, Quezon. Gayunman, hndi na naisalba pa ng mga manggagamot ang buhay nito.
Pinag-aaralan ng mga otoridad na sampahan ng reklamo ang contractor ng ginagawang kalye dahil walang mga safety equipments sa kanilang ginagawang konstruksyon.
- Latest