P6.8 milyong shabu samsam sa 2 drug dealer sa Marawi
COTABATO CITY , Philippines — Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P6.8 mily on na halaga ng shabu sa dalawang dealers na na-entrap kamakalawa sa Barangay Saduc sa Marawi City sa probinsya ng Lanao del Sur.
Kinumpirma nitong Lunes, ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nakakulong na ang dalawang suspects, sina Abdul Diongaan at Panarigan Radia, nalambat sa tulong ng mga local executives, kabilang sa kanila si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.
Ayon kay Castro, agad na inaresto sina Diongaan at Radia ng mga mga operatiba ng PDEA-BARMM matapos magbenta sa kanila ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa entrapment operation sa liblib na pook sa Brgy. Saduc na suportado ng iba’t ibang units na nasa pamumuno ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn.
Nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM sina Diongaan at Radia, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Castro.
- Latest