^

Probinsiya

DJ sa bar, pinasabog ang ulo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
DJ sa bar, pinasabog ang ulo
Ang biktimang kinilalang si Junrey Jimeno, 27-anyos, naninirahan sa T. Padilla ng lungsod ay dead-on-the-spot sa insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang binatang DJ (disc jockey) sa bar matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi kilalang salarin sa Cebu City nitong Sabado ng umaga.

Ang biktimang kinilalang si Junrey Jimeno, 27-anyos, naninirahan sa T. Padilla ng lungsod ay dead-on-the-spot sa insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng Cebu City Police, naitala ang krimen pasado alas-5 ng umaga sa kahabaan ng General Maxilom Ave­nue, Cebu City matapos lumabas sa bar na pinagtatrabahuhan sa siyudad ang biktima.

Ayon sa kasamahan, pauwi na si Jimeno at kasalukuyang kinukuha nito ang nakaparadang motorsiklo malapit sa isang restaurant sa lugar nang biglang sumulpot ang salarin.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang pinaputukan ng salarin na lulan ng motorsiklo ang target na napuruhan nito sa ulo bunsod upang duguang bumulagta saka tumakas ang suspek patungo sa hilagang direksyon.

Sa pahayag ng girlfriend ng biktima, wala siyang alam na kaaway ang kaniyang boyfriend dahil mabait na tao pero ayon sa mga kamag-anak ng pinaslang na DJ ay selos ang hinihinala nilang motibo sa pagpatay sa binata.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with