^

Probinsiya

SUV pinagbabaril: 2 sakay sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang Moro ang sugatan sa isang ambush nitong Biyernes ng gabi sa Barangay Rosary Heights 5, dito sa lungsod na nagdulot ng takot sa mga pamilyang naninirahan sa paligid.

Sa ulat nitong Sabado ni Cotabato City police director Col. Querubin Manalang Jr. sakay ng isang Toyota Fortuner sina Misuari Tatak at si Datu Akbar Maulana nang paputukan ng mga armadong lalaking nakapuwesto sa gilid ng 5th Road sa Barangay Rosary Heights 5.

Nagtamo ng mga tama ng bala sina Tatak at Maulana sanhi ng naturang pananambang, na agad namang naisugod sa pagamutan ng mga miyembro ng Cotabato City Police Precinct 2  upang malapatan ng agarang lunas.

Ayon kay Manalang, nakilala ng mga saksi ang mga nag-ambush kina Tatak at Maulana na ngayon ay tinutugis na ng mga operatiba ng Cotabato City Police Office.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with