^

Probinsiya

Bulkang Taal, patuloy ang phreatic eruption – OCD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbuga ng “steam-driven” o “phreatic” na pagputok ang Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa ipinalabas na advisory nitong Sabado ng umaga. 

Sa monitoring ng tanggapan ni OCD Administrator USec. Ariel Nepomuceno, ang pagputok ng nag-aalburotong Taal volcano ay na-monitor dakong alas-8:50 ng umaga hanggang alas-8:52 ng umaga. Nasundan ang pagputok, ganap na alas-9:09 ng umaga hanggang alas -9:02 ng umaga.

Dahil dito, inalerto ng OCD ang mga residente ng Batangas na sumunod sa panuntunan at advisories ng mga kinauukulang opisyal hinggil sa status ng Taal volcano.

Patuloy ang monito­ring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Taal volcano na nananatiling nasa Alert level 1. 

Ipinagbabawal pa rin ang paglapit sa main crater o bunganga ng bulkan sa bahagi ng Daang Kastila fissures.  Ang nasabing isla ay una nang idineklarang Permanent Danger Zone. Maging ang pamamangka sa Taal Lake, paglipat ng mga aircraft malapit sa bulkan ay hindi rin pinahihintulutan.

vuukle comment

VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with