^

Probinsiya

Kelot, tinadtad ng bala sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang patay makaraang tadtarin ng bala sa katawan, sa Barangay san Isidro, Rodriguez, Rizal, Biyernes ng gabi.

Agad na nasawi ang biktimang inilarawang nakasuot ng blue t-shirt, itim na maong na pantalon, blue ang sombrero, nasa 35-40 ang edad, 5-6’ -5’8 ang taas.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, naganap ang pamamaril alas-10:30 ng gabi ng Abril 19, 2024, na naiulat lamang sa pulisya alas-12:30 ng madaling araw ng Abril 20, sa Block 8 Southville 8-C, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Sa inisyal na ulat, mag-isang naglalakad sa nasabing lugar ang biktima nang sumulpot umano ang gunman at pinagbabaril ang biktima ng makailang ulit.

Hiniling na ng Rodriguez Police sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa technical investigation sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with