^

Probinsiya

Pickup at truck nagsalpukan: 3 patay

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong tao ang agad na namatay sa banggaan ng isang pickup truck at isang Kia Bongo light truck sa Barangay Polonuling sa bayan ng Tupi sa South Cotabato nitong madaling araw ng Huwebes.

Sa hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Tupi Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sina Ralph Anthony Zabala, 35-anyos at si Hernando Carl Cortez, 26-anyos, parehong sakay ng kulay itim na Mazda pick-up truck, at ang driver ng pulang Kia Bongo na may kargang isda, ang 40-anyos na si Louzel Defiño.

Nagsalpukan ang magkasalubong na dalawang sasakyan sa isang bahagi ng General Santos-Koronadal Highway sa Barangay Polonuling sa Tupi, isa sa 10 na mga bayan sa South Cotabato na ang kabisera ay Koronadal City.

Ayon sa mga imbestigador ng Tupi MPS at ng South Cotabato Provincial Police Office, sobrang bilis ang takbo ng pickup truck na minamaneho ni Zabala at bigla itong nag-overtake sa sinusundang trailer truck kahit na papalapit na mula sa kabilang direksyon ng highway ang Kia Bongo kaya naganap ang ma­tinding aksidente.

vuukle comment

KIA BONGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with