Suspendidong gov. ng Davao del Norte, suportado ng DCM
MANILA, Philippines — Nagkaisa ang mga kasapi ng Davao Consumer Movement (DCM) at nanindigan para sa liderato ni Davao del Norte Gov. Edwin “Kuya Gov” Jubahib matapos naman siyang isyuhan ng 60 araw na preventive suspension ng pamahalaan.
Ayon sa DCM, si Gov. Jubahib ay walang kapaguran sa pagsusulong ng adbokasya para sa mamamayan ng Davao del Norte na halos ibinigay na ang kaniyang sarili sa paglilingkod sa kaniyang mga constituents sa abot ng makakaya nito.
Ang sinuspindeng gobernador ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez.
Sinabi ng DCM na ang reklamo laban kay Jubahib ay kailangang sumailalim sa legal na proseso at nangangamba sila na maging balakid ito para sa nagkakaisang pangarap ng kanilang lalawigan na mabawasan ang presyo ng elektrisidad at makakuha ng mas maayos na serbisyo.
Una nang pinalagan ni Jubahib ang ipinataw na 60-days suspension order laban sa kaniya na umano’y nabulaga siya matapos na magpadala ng nasa 300 na pulis sa provincial capitol ng Davao del Norte habang isang binuhay na lumang kaso na aniya’y naayos na ang reklamo sa kaniya ng isang pulitikong malapit sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon pa sa grupo, tinugunan ni Jubahib ang mga isyu para magkaroon ng maayos na ekonomiya ang kanilang lalawigan at mapagbuti ang buhay ng kaniyang mga constituents sa gitna na rin ng pagkukulang dito ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO).
“His support for House Bill (HB) 6740 has been commendable, and his suspension threatens to derail the progress made in this crucial campaign,”giit ng DCM.
- Latest