Ex-judge dedo, 7 pa sugatan sa banggaan

Ayon sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng Cagayan de Oro City Police Office at ng Police Regional Office-10, dead-on-arri­val sa isang pagamutan si retired Judge Gael Padilla Paderangga, 72-anyos, at residente ng Upper Carmen sa naturang lungsod sanhi ng pinsalang inabot sa katawan sa aksidente.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Nasawi ang isang retiradong huwes, habang pitong iba pa ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Cagayan de Oro City sa Region 10 nitong umaga ng Linggo, April 14, 2024.

Ayon sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng Cagayan de Oro City Police Office at ng Police Regional Office-10, dead-on-arri­val sa isang pagamutan si retired Judge Gael Padilla Paderangga, 72-anyos, at residente ng Upper Carmen sa naturang lungsod sanhi ng pinsalang inabot sa katawan sa aksidente.

Lumilitaw sa imbestigasyon na minamaneho ni Paderangga ang kanyang Kia Sorrento na kulay itim nang makabanggaan ang isang Totoya Revo na nagsanhi sa pagkakasugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng driver nitong si Joshua Dequiña at anim pang kapamilya na kasama niya sa kanyang sasakyan.

Mabilis namang naisugod sa ospital sina Dequina at mga kasama ng mga kasapi ng Cagayan de Oro City Police at mga kawani ng emergency response office ng local government unit ng lungsod. 

Show comments