Misis hinataw ng kahoy sa ulo, tepok

Matinding pinsala sa ulo ang ikinasawi ng biktima na kinilalang si Marissa Fausto Mortis, may-asawa at residente ng Zone-3, Brgy. Sooc ng naturang bayan.
STAR/ File

Habang pauwi galing sakahan

LUPI, Camarines Sur, Philippines —  Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 37-anyos na misis matapos hatawin ng kahoy sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa Zone-4, Brgy.Napolidan, Lupi, Camarines Sur kama­kalawa ng hapon.

Matinding pinsala sa ulo ang ikinasawi ng biktima na kinilalang si Marissa Fausto Mortis, may-asawa at residente ng Zone-3, Brgy. Sooc ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon galing ng kanilang sinasakang lupa at naglalakad pauwi ang biktima nang mula sa kanyang likuran ay biglang sumulpot ang hindi nakilalang lalaki at sa hindi malamang dahilan ay hinataw ito sa kanyang braso at ulo.

Bagama’t duguan ang ulo ay nakatakbo pa ang misis at nakahingi ng saklolo sa mga residente.

Agad isinugod sa Sipocot District Hospital ang biktima pero dahil sa maselang kalagayan ay inilipat ito sa Bicol Medical Center sa Naga City pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments