E-bike ginamit sa pag-deliver ng shabu, driver tiklo

CAVITE , Philippines —– Bagama’t ipinagbabawal na sa Metro Manila ang paggamit ng e-bike sa mga lansangan, walang takot ang isang driver sa paggamit ng kanyang e-bike sa pagde-deliver  ng illegal na droga sa inilatag na drug operation ng pulisya kamakalawa sa parking lot ng isang kilalang fast food chain sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City.

Aabot sa mahigit 600 thousand halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa suspek na kinilala sa alyas na Esah , 20-anyos,  Construction worker,  residente ng Citihomes, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng umaga kamakalawa nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office -IV A , Rset 1 at Cavite PPO  ang isang buy-bust laban sa suspek.

Naganap ang transaksyon sa parking lot ng fastfood chain sa Brgy. Hugo Perez Governor’s Drive, kung saan dumating  dito ang suspek sakay ng pu­ting electronic e-bike na may tatak na MX MIXIE-BIKe. Nasa tabi lang nito ang isang paper bag kung saan nakalagay ang mga shabu na may timbang na 100 gramo at my halagang P680,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang drug money at buy-bust money na gamit sa operasyon.

Show comments