Magkaangkas dedo, 1 pa kritikal sa truck

Sa ulat nitong Linggo ng mga opisyal ng Pitogo Municipal Police Station, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang magkaangkas sa motorsiklong sina Argie Layar at ang menor-de-edad na si Shilphie Rey Bustamante.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang isang menor de-edad habang isa ang malubhang nasugatan nang masapol ng isang rumaragasang Isuzu Elf truck sa Purok Pajo sa Barangay Poblacion sa Pitogo, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Linggo ng mga opisyal ng Pitogo Municipal Police Station, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang magkaangkas sa motorsiklong sina Argie Layar at ang menor-de-edad na si Shilphie Rey Bustamante.

Ang aksidente ay nagsanhi ng malubhang pagkasugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng isa pa nilang kaangkas sa motorsiklo na si Jay Diana na isa ring menor-de-edad.

Agad namang nagpakustodiya sa Pitogo MPS ang driver ng truck na nasangkot sa aksidente at nangako na ang may-ari nitong makikipag-areglo sa  mga pamilya ng mga nasawi sa pangyayari.

Show comments