^

Probinsiya

4 ‘drug dealer’ timbog sa P6.8 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 �drug dealer� timbog sa P6.8 milyong shabu
Arestado ang apat na hinihinalang drug dealers matapos makumpiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng PDEA sa Wao, Lanao del Sur.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P6.8 million na halaga ng shabu sa apat na mga dealers na na-entrap sa Wao, Lanao del Sur nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nasa kustodiya na nila ang mga nalambat na sina Nawap Gundar Mohammad, Nursidin Bilao Bantak, Mamak Barazar Solaiman at Mustapha Dipatuan Solaiman, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad na inaresto ng mga magkasanib na PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng ibat-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang apat na suspects matapos silang bentahan ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, said isang liblib na barangay sa Wao, isa sa 39 na bayan sa Lanao del Sur.

Ayon kay Castro, naisagawa ang entrapment operation na nag­resulta sa pagkaaresto ng apat na mga suspects sa tulong ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at ng mga local government officials sa Wao.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with