Bulacan humirit, MR inihain sa SC
Sa ‘water rights’ sa Angat Dam
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —- Pormal na naghain ng mosyon sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alexis Castro kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa Supreme Court Suprema upang igiit ang “water rights” ng lalawigan matapos na ideklara ng korte na hindi “national wealth” ang tubig sa Angat Dam.
Kasama rin sa naghain ng kamakalawa ng umaga ng 32-pahinang motion n for Reconsideration (MR) sina Provincial Legal Officer Atty. Gerald Manalo at Benro Chief Atty. Julius Victor Degala.
Layon ng mosyon na pag-aralang muli ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang naunang desisyon ng SC en banc noong Oktubre 3, 2023 na nagsasabi na “that appropriated dam water is not to be considered national wealth, and therefore, not subject to the national wealth tax.”
Ayon sa Gobernador, ang karapatan ng lahat sa biyaya ng katubigan ng Bulacan ay nararapat lamang na pakinabangan din ng lalawigan dahil sa kahati dapat ang ito sa tubig na nanggagaling sa Angat Dam at iba pang likas yaman ng lalawigan. Tulad umano ng itinatadhana ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas na nakasaad sa Local Government Code of 1991 na RA7160.
Ang tubig ay kinilala ng 1987 Constitution bilang likas na yaman ng bansa sa Article 12 Section 2 kung saan nakasaad rito na “All lands of the public domain, waters, minerals, coal petroleum and others mineral oils, all forces of potential energy, fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna and other natural resources are owned by the state.”
- Latest