^

Probinsiya

French, partner na Pinay natagpuang patay sa tent

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa wala nang buhay nang matagpuan ang isang French national at live-in partner niyang Pinay sa loob ng camping tent na itinayo sa isang pribadong subdivision sa Tagbilaran City, Bohol kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report ng Bohol Police Provincial Office,  (BPPO), natagpuan ang mga labi ng dayuhan na hindi pa pinangalanan, 39-anyos at ang 30-anyos na Pinay sa tent sa loob ng Camella Homes sa Barangay Bool.

Inireport ito ng ilang residente na dalawang bangkay sa bakanteng lugar ang kanilang natagpuan.

Masangsang na amoy ng kemikal mula sa loob ng tent ang sumalubong sa mga awtoridad. May nakita rin ang mga imbestigador na lalagyan ng muriatic acid at isa pang klase ng kemikal na pinaniniwalaang hydrogen sulfide.

Lumitaw na dalawang taon nang umuupa ng unit sa Camella Homes ang mag-live in partner.

Nagsasagawa pa rin ng malalim na imbestigasyon ang pulisya kung ito ay insidente ng suicide o krimen.

vuukle comment

BPPO

CAMELLA HOMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with