Rider sinalpok ng kotse, patay

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang mabangga ng kotse ang kanyang sinasakyang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Cainta, Rizal kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Albert dela Cruz habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nakabanggang driver na si Jentonie Kuyan na mahaharap sa mga kaukulang kaso.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Felix Avenue, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal. Sakay umano si Dela Cruz ng isang Yamaha Mio Aerox (228NJX) at bumibiyahe mula sa direksiyon ng V.V. Soliven III habang minamaneho ni Kuyan ang isang Honda CR-V wagon (TIE-390) at binabagtas ang Felix Avenue patungong Marcos Highway mula sa junction, sa Cainta.

Gayunman, habang tumatawid sa Felix Ave­nue ang motorsiklo ay biglang nabangga ng kotse na noon ay sinasabing mabilis umano ang takbo.

Dahil sa lakas ng impact, nahulog ang biktima sa motorsiklo at bu­magsak sa sementadong kalsada na nagresulta ng matin­ding pinsala sa katawan na kanyang ikinasawi.

Lumitaw na kapwa walang driver’s license ang suspek at biktima habang expired na rin ang rehistro ng kotse.

Show comments