5.1 magnitude na lindol naitala sa Davao de Oro

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.1 magnitude lindol ang Davao de Oro, kahapon ng alas-11:33 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may  001 kilometro ng timog silangan ng New Bataan,Davao De Oro.

Naramdaman ang lakas ng lindol na Intensity V sa Pantukan, Mabini, at Maco, Davao de Oro, Intensity IV sa City of Tagum, Davao de Oro at  City of Bislig, Surigao del Sur.

Nagtala naman ng Instrumental Intensity 1 sa  City of Digos, Davao City, Matanao, at  Magsaysay, Davao del Sur at Malungon, Sarangani.

Ayon sa Phivolcs na asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks kaugnay nang naganap na lindol.

Show comments