Birthday outing ng apo: Lolo tepok sa lunod

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng isang birthday outing ng isang pamilya at mga kaanak nang malunod sa dagat ang kasamang 63-anyos na lolo, kama­kalawa sa Brgy. Sahud ulan Tanza Cavite.

Wala nang buhay nang matagpuang palutang-lutang sa tabing dagat ang katawan ng biktimang kinilalang si Marticio Valdez, residente ng Timalan Balsahan, Naic, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-outing umano ang pamilya ng biktima hinggil sa birthday ng apo nito.

Bago umano ang pagkalunod, nakipag-inuman pa ang lolo sa mga kamag-anak sa kasasagan ng kanilang selebrasyon bago siya nagtungo sa dagat upang maligo.

Gayunman, makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lamang ang matanda na nakalutang malapit sa pampang.

Agad na itinakbo sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments