^

Probinsiya

Mister nalunod sa Agno River

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilamon ng ilog ang isang mister matapos na aksidenteng malunod sa Brgy. Laoac, Alcala, Pangasinan, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa report na tinanggap ng Pangasinan Police, ang hindi pa nakilalang lalaki ay nalunod noong Huwebes ng gabi sa Agno River sa naturang lugar.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng report hinggil sa lalaking natangay ng malakas na agos sa Agno River kaya mabilis silang nagresponde.

Gayunman, nabigo nang masagip ang nasabing lalaki dahil tuluyan na siyang tinangay ng malakas na agos.

Makalipas ang ilang minute, naiahon ng mga rescuers ang katawan ng biktima pero idineklaa nang dead-on-arrival nang maisugod sa Bayambang District Hospital.

Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

PANGASINAN

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with