^

Probinsiya

Bus salpok sa trike: Cum Laude stude, 2 pa patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bus salpok sa trike: Cum Laude stude, 2 pa patay!

MANILA, Philippines — Tatlo ang kumpirmadong patay kabilang ang isang estudyanteng nakatakdang magtapos bilang Cum Laude nang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus ang isang tricycle kamakalawa ng umaga sa Binalonan, Pangasinan.

Dead-on-arrival sa Urdaneta District Hospital ang mga biktimang sina Melchor, 66, tricycle driver at mga pasahero na sina Hanna Mae Basanes Mateo, 23, graduating Cum Laude Education student sa University of Eastern Pangasinan, at Dennis Malapit Dasalla, 16, Grade 10 student, pawang residente ng Barangay Santa Catalina, Binalonan, Pangasinan.

Ginagamot din sa ospital ang dalawa pang pasahero na sina Nicole Basanes Mateo at Olivia Kate Siador Manaois, kapwa Grade 10 students.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng bus na si Louie Lagoy Dugayon, 34, driver ng Pine Tree Transit at may biyaheng Tabung-Kalinga.

Batay sa imbestigas­yon nangyari ang trahedya dakong alas-6:45 ng umaga sa Brgy. Cili, Binalonan nitong Huwebes ng umaga.

Kita sa CCTV na  ga­ling sa barangay road ang  tricycle at papatawid nang biglang salpukin ng bus na tinatahak ang main road.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa tricycle, tumilapon ang mga biktima na nagkalasug-lasog ang kanilang katawan.

vuukle comment

PANGASINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with